Skip to main content

Pagsusuri sa mga piling Tula

mapanglaw 2

MAY AKDA:     Pedro L. Ricarte
Pedro L. Ricarte ay isang kwentista, mananaysay, mandudula, manunuri at makata. Siya ay isang free-lance writer at napabilang sa patnugutan ng Liwayway sa loob ng sampung taon. Ang kaalaman niya sa pagsulat ay kanyang naibahagi sa mga mag-aaral ng LCBA Graduate School sa Calamba, DLSU-Manila, Don Bosco at ibang University.
Siya ang nagsabi kay Alejandro Abadilla na siya ang “Ama ng Makabagong Tulang Tagalog” Si Ricarte ay isa sa mga mayroong pinakamatatalas na pag-iisip kaya masasabi din na siya ay isang kritiko ng ibang mga Pilipinong manunulat. Naging kilala si pedro Ricarte noong 1950-1960.
Ito ang ilan sa kanyang mga akda:
  • Boy Nicolas
  • Siyam na Langit (1962)
  • Samahang Siyete
  • Aawitan Kita
  • Ala-Suwerte(1959)
  • Hindi Natutulog ang Diyos(1960-1961)
  • Lagablab sa Silangan (1961)   at iba pang mga maikling istorya at nobela.

Ang paksa ng tula ay tumutukoy sa isang magsasaka na labis na nanghihinayang sa lupain na kanyang sinasaka sapagkat ito na kaniyang kinagisnan mula pa sa kanyang mga magulang at sa mga magulang nito. Malaki man ang kanyang matatangap mula sa mapagbebentahan ng lupain hindi parin maalis sa kanyang isipan ang pangamba sa kanyang bagong estado dahil sa pagsasaka lamang ang alam niyang kabuhayan. Siya ay nababahala sa darating na pagbabago.
Ang Teoryang Realismo ang nakapaloob dahil ito ay tila nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Sinasalamin nito angkatayuan ng isang dukhang mamamayan na umaasa lamang sa pagsasaka. Kung saan ipinahihiwatig din nito ang unti-unting mga pagbabago na nagaganap sa ating lipunan.

babae

Ang manunulat na si Maria Josephine Barrios ay mas kilala bilang “Joi Barrios.” Ipinanganak noong Hunyo 26, 1962 sa Lungsod Quezon. Nakamit niya ang kanyang doktorado sa Filipino (Literature) sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1998. Kilala rin si Barrios bilang isang makata, aktibista, tagasulat ng senaryo, artista, translator at guro. Sa kasalukuyan ay isa siyang visiting professor sa Philippine Studies Program ng Osaka University of Foreign Studies at kasapi rin siya ng Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy.
Sa tula na “Ang Babae sa Pagdaralita” ay pumapaksa sa pagiging palaban ng mga kababaihan. Pinahahayag nito na ang bawat babae ay may angking lakas upang mapantayan ang mga kakayahan ng isang lalaki. Ang tulang ito ay binibigyan ng lakas ang bawat kababaihan na mamulat sa mga bagay na kaya din nilang gawin.
Ang Teoryang Feminismo ang angkop sa tulang ito sapagkat ipinakikilala nito ang kalakasan at kakayahan ng mga kababaihan. Iniaangat rin nito ang tingin ng lipunan sa mga babae. Sa mga akdang gaya nito ang mga babae ay binibigyang halaga at papuri.

mala.jpg

Franklin a.k.a. King a.k.a. Frank Cimatu ay tubong Baguio City, mamahayag, Physics major, Fine Arts student and nanalo ng mga award sa mga patimpalak sa pagsulat. Noong 1987 pangatlo sa  poetry contest held by the Galian sa Arte at Tula (GAT [Crucible for the Arts and Letters]) at  dalawang beses na pinarangalan sa tula sa isang Philippine national writing contest, ang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa ikatlong pwesto at natapos ang tula sa wikang ingles na “Living in the Movies: Poems” AT unang gantimpala for Tula (poetry- Filipino Category) for “Desaparecido/ Desaparadiso: Mga Tula ni Juan Caliban” [“Desaparecido/Desaparadiso: The Poems of Juan Caliban] noong 1991. Noong taon 2003, siya ay naging unang nagkamit ng patimpalak para sa tula sa Philippines Free Press Literary Awards.
Ang pinapaksa ng tulang ” Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang” ay tungkol halos sa mga pangyayari noong panahon ng martial law. Sa makatang paraan ay pinapahayag nito ang kanyang mga nasaksihan sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Marcos.
Ang tulang ito ay pumapailalaim sa Teoryang Eksistensyalismo kung pinapahayag ng may akda ang kanyang pinaniniwalaan na may patungkol sa mga bagay na kanyang naoobserbahan sa lipunan. Malaya niyang napaapbatid ang kanyang saloobin na siyang magpapamulat sa mga tao ng ibang perspektibo ng pagaanalisa ng bawat pangyayari.

Comments