Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2018
Pagsusuri sa mga piling Tula MAY AKDA:     Pedro L. Ricarte Pedro L. Ricarte ay isang kwentista, mananaysay, mandudula, manunuri at makata. Siya ay isang free-lance writer at napabilang sa patnugutan ng Liwayway sa loob ng sampung taon. Ang kaalaman niya sa pagsulat ay kanyang naibahagi sa mga mag-aaral ng LCBA Graduate School sa Calamba, DLSU-Manila, Don Bosco at ibang University. Siya ang nagsabi kay Alejandro Abadilla na siya ang “Ama ng Makabagong Tulang Tagalog” Si Ricarte ay isa sa mga mayroong pinakamatatalas na pag-iisip kaya masasabi din na siya ay isang kritiko ng ibang mga Pilipinong manunulat. Naging kilala si pedro Ricarte noong 1950-1960. Ito ang ilan sa kanyang mga akda: Boy Nicolas Siyam na Langit (1962) Samahang Siyete Aawitan Kita Ala-Suwerte(1959) Hindi Natutulog ang Diyos(1960-1961) Lagablab sa Silangan (1961)   at iba pang mga maikling istorya at nobela. Ang paksa ng tula ay tumutukoy sa isang magsasaka na labis na nang...